Wednesday, 15 August 2012

Ligo na u, Lapit na me


Isang nobela tungkol sa unang pag-ibig na sa kakaibang paraan ay walang kasamang ma-dadramang linya, tagpo o sandali sa pagitan ng babae at lalaki.


Habang estudyante si Intoy sa kolehiyo, nakaklase niya si Jen, isang magandang babae, at dahil na din dito, maraming lalaki ang nanliligaw kay Jen. Aakalain ng mambabasa na nagkataong isa lang si Intoy sa mga nanliligaw kay Jen ngunit ang kasalungat ang nangyari; binaliwala ni Intoy si Jen at si Jen ang parang nanligaw kay Intoy. Hindi dahil masmaraming babae o magandang lalaki si Intoy ngunit dahil natural lang mas mataas ang pride ni Intoy. Na-intriga si Jen kay Intoy at siya na unang lumapit dito.

Sa pagtagal, ang pagkakaibigan nila Intoy at Jen ay nag-iba at nagi silang "friends with benefits and perks", kung tawagin ni Intoy. Lumala ang komplikadong relasyon ng dalawa dahil sa paiba-ibang ugali ni Jen at sa pagpupumilit ni Intoy na itago ang pagmamahal niya kay Jen. Sa katapusan ng nobela, nawala si Jen kay Intoy at naiwan ang bida na dismayado, nangungulila at nagsisisi sa pangyayari. Hindi na nalaman ni Intoy (at hindi din klaro sa mga mambabasa) kung umibig din si Jen kay Intoy. Nanatili na lang ang imahe ni Jen na isang mayaman, maganda at radikal na babae.

Jen, 
The feeling is mutual. Nabigay ka. Nagbigay din ako. Hehe! 
Karl/Intoy/Dude
 Wasak! Very safe. Hindi atakador, hindi defensive. Hindi nagpi-feeling pero hindi rin nagpapakamanhid

Ikinukuwento ang nobela mula sa pananaw ni Intoy, isang bente-anyos na binatilyo, pilosopo at sarkastiko na minsan ay nakakakuha ng simpatya, gaya ng linya na ito:
"Baka gaya rin ako ng mga eksperto sa buhay ng tao, pilit hinahanapan ng mali ang okay naman talaga. Hindi na makuntentong may kalaro lang... may iba pang hanap o gusto... Binigyan na ng katawan, gusto pa buong pagkatao."
Karamihan naman sa ibang linya ay exaggeration na nakakatawa gaya ng deskripsyon ni Intoy habang nasa kalagitnaan siya ng Physics test:
"...open notes, open books, open tables at lahat ng gusto kong i-open at i-close, kahit prayer book, Biblia, Qur'an, Summa Theologica ni Santo Tomas at Saligang Batas ng Pilipinas. Pero kahit mangopya ako kahit kanino, o humingi pa ako ng saklolo sa kaluluwa ng mga ninuno kong namayapa, malamang hindi pa rin tatama ang sagot ko."

Dahil na din sa karakter ni Intoy, ang nobela ay kinukwento sa paraang balbal, maraming mura, paligoy-ligoy at puno ng politikal na opinyon mula kay Intoy. Sa nobelang ito, mahusay na naipakita ni Eros Atalia kung paano mag-isip ang isang gaya ni Intoy na hinayaan ang pride o kayabangan na masmapahalagahan kumpara sa pag-ibig.

No comments:

Post a Comment